Celtics, niresbakan; Warriors, abante sa Jazz, 2-0.

OAKLAND, California (AP) — Hindi lang sa depensa, maging sa rainbow territory ay mabagsik si Draymond Green.

Kumana ng limang three-pointer ang ‘Defensive Player of the Year’ candidate tungo sa 21 puntos at pagbidahan ang Golden State Warriors sa isa pang dominanteng 115-104 panalo kontra sa Utah Jazz sa Game 2 ng kanilang Western Conference semi-final nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Hataw din si Kevin Durant sa nakubrang 25 puntos, 11 rebound at pitong assist, habang tumipa si Stephen Curry ng 23 puntos, at pitong assist para sa 2-0 bentahe sa kanilang playoff series. Nahila rin ng Warriors ang winning streak sa postseason sa 6-0, kabilang ang sweep sa Portland sa first round.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Nanguna sa Jazz si Gordon Hayward sa nahugot na 33 puntos, habang nag-ambag si Rudy Gobert ng 16 puntos at 16 rebound.

Gaganapin ang Game 3 sa Sabado (Linggo sa Manila) sa Salt Lake City.

WIZARDS 116, CELTICS 89

Sa Washington, mas naging mainit at madugo ang duwelo sa pagitan ng Wizards at Boston Celtics na nagresulta sa walong technical foul, tatlong ejection at pagalburuto ng mga damdamin sa Game 3 ng kanilang Eastern Conference semi-final.

Tensyunado ang kabuuan ng laro na nadomina ng Wizards mula simula hanggang sa final buzzer para tapyasin ang serye sa 2-1.

Napatalsik si Washington’s Kelly Oubre Jr. bunsod nang matinding offensive foul kay Kelly Olynyk. Kapwa napatawan ng technical foul ang dalawa dahil sa patuloy na banggaan.

“I guess that’s playoff basketball,” pahayag ni Boston star guard Isaiah Thomas, nalimitahan sa 13 puntos matapos makaiskor ng record 53 puntos sa Game 2. “We don’t like them and they don’t like us.”

Pinangunahan ni John Wall ang Wizards sa naiskor na 24 puntos.

Natawagan din ng technical sina Boston coach Brad Stevens at Washington mentor Scott Brooks, bago napatalsik sa fourth period sina reserved player Terry Rozier at Brandon Jennings.

Dahil sa flagrant 2 foul at ejection, posibleng masuspinde sa Game 4 sa Sabado (Linggo sa Manila) si Oubre.

INDIVIDUAL PERFORMER SA PLAYOFFS

Most Points: 53, Isaiah Thomas, Boston, Second Round Game 2, May 2.

Most Rebounds: 18, Marcin Gortat, Washington, First Round Game 4 vs. Atlanta, April 24.

Most Assists: 16, John Wall, Washington, Second Round Game 1 vs. Boston, April 30.

Most 3-Pointers Made: 7, Stephen Curry, Golden State, First Round Game 4 vs. Portland, April 24; Kawhi Leonard, San Antonio, First Round Game 4 vs. Memphis, April 22.

Most Free Throws Made: 19, Jimmy Butler, Chicago, First Round Game 4 vs. Boston, April 23; Kawhi Leonard, San Antonio, First Round Game 2 vs. Memphis, April 17.

Most Turnovers: 9, Russell Westbrook, Oklahoma City, First Round Game 1 vs. Houston, April 16.

Most Steals: 6, Kawhi Leonard, San Antonio, First Round Game 4 vs. Memphis; Thaddeus Young, Indiana, First Round Game 2 vs. Cleveland, April 17.

Most Blocks: 6, Draymond Green, Golden State, First Round