Kung magiging malinaw ang kalangitan, masisilayan ng skygazers ang shooting stars sa simula ng madaling araw ngayong Biyernes.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), taun-taong nagaganap ang Eta Aquarid meteor shower sa pagdaan ng Earth malapit sa orbit ng Halley’s comet dalawang beses sa isang taon.

Idinagdag nito na ang lugar kung saan nagmumula ang liwanag ng mga meteor ay matatagpuan sa loob ng constellation Aquarius o ang water bearer.

Sinabi ng PAGASA na pinakamaliwanag ang meteor shower sa celestial equator at mas paborable ito sa mga manonood sa southern hemisphere.

Tsika at Intriga

Sarah Balabagan 'kinontra' si Arnold Clavio tungkol sa prayer rally; may inungkat

Ayon dito, sa northern hemisphere, halos 20 o mahigit pang meteors per hour ang masasaksihan sa kalangitan bago magbukang-liwayway hanggang Mayo 6.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na pinakamainam na masisilayan ang meteor shower ilang oras bago ang bukang liwaway sa maaliwalas na kalangitan. (Ellalyn De Vera-Ruiz)