KAHIT dumarami na ang mga doktor na dumedepende sa home blood pressure monitoring upang mabantayan ang hypertension ng kanilang mga pasyente, karamihan sa mga device na ito ay maaaring hindi eksakto ang basa at wala ring silbi, ayon sa isang maliit na pag-aaral.
Halos 70 porsiyento ng pagkakataon, hindi tama ang home monitor ng 5 mmHg, na itinuturing na clinically important, ayon sa mananaliksik. At 30 porsiyento ng pagkakataon na mali ang devices ng 10 mmHg.
Ang hypertension, o high blood pressure, “is the number one cause of death and disability in the world,” sinabi ng lead study author na si Jennifer Ringrose ng University of Alberta in Canada.
“Guidelines are recommending that clinicians rely more on automatic and home blood pressure readings to diagnose and monitor high blood pressure,” aniya sa email sa Reuters Health. “We need to make sure these home blood pressure readings are accurate.”
Sinusukat ang presyon sa systolic pressure -- kung kailan nagpa-pump ng dugo ang puso; at sa diastolic pressure -- kung kailan naman nagpapahinga ang puso sa pagitan ng pagtibok. Ang blood pressure na mas mababa sa 120 mmHg systolic/80 mmHg diastolic ay itinuturing na malusog. Ang pressure na mahigit 140/90 mmHg ay itinuturing na mataas.
Natuklasan ng mga mananaliksik na madalas na nagkakamali ang home monitors sa systolic pressure. Para sa 54 porsiyento ng mga pasyente, ang sukat na ito ay 5 mmHg mula sa professional device. Para sa 20 porsiyento, ito ay hindi sakto ng 10 mmHg, at para sa 7 porsiyento ay malayo ng 15 mmHg o mahigit pa.
Sa diastolic pressure, ito rin ang nababasa sa 31 porsiyento, 12 porsiyento, at 1 porsiyento ng mga pasyente.
Inilathala ang pag-aaral sa American Journal of Hypertension.
“There can be substantial error, even in devices that have been tested in a validation study,” sabi ni senior study author Raj Padwal ng Mazankowski Heart Institute in Alberta.
“A major issue is that it is hard to study why inaccuracies occur because the algorithm that these devices use to determine blood pressure is proprietary and kept secret by each company,” ani Padwal sa email.
Isinusuhestyon ng grupo ang paglilikha ng third-party way sa mga doktor at pasyente para suriin ang home devices, kung kinakailangan.
“First, patients should purchase a validated monitor and use the proper sized cuff,” ani Padwal. “Second, we - device makers and academic researchers - have to come up with more accurate devices.”
“It’s important to be aware that this inaccuracy is out there,” sabi ni Marcel Ruzicka ng University of Ottawa na katuwang sa pagsusulat ng komentaryo sa pag-aaral. “Next, we should ensure that accuracy checks are widely available and not cost prohibitive for device owners.” (Reuters Health)