IBINASURA ng International Swimming Federation (FINA) ang naganap na eleksiyon sa Philippine Aquatics Swimming Association (PASA) sa utos ng Philippine Olympic Committee (POC) kamakailan.
Sa sulat na may petsang Abril 21,2017, sinabi ni Cornel Marculescu, FINA Executive Director na hindi saklaw ng By-Laws ng National Federation ang batas sa itinatadhanang regulasyon ng FINA ang naganap na halalan sa PASA nitong Marso.
“FINA is not able to recognize the elections and the new board of directors. We kindly ask you to observe FINA Ruke C 8.2.6 na nakasaas ‘All members are to manage its affairs independently and not be influenced by third parties.”
Ipinag-utos ng POC ang eleksiyon sa PASA at nagwaging pangulo si Olympian Ral Rosario at secretary general si Lani Velasco. Nauna rito, pinulong ni del Rosario ang mga miyembro ng PASA sa Bacolod City at nagwaging pangulo ang dating swimming champion.
Hindi kinila ng POC ang naturang kaganapan bunsod umano ng kabiguan ng mga lider na maiprisinta ang kabuuang bilang bago ang halalan na pinagwagihan din ni Del Rosario.
Gayunman, pinanghimasukan din ng POC ang proseso at ginawang ‘turo-turo’ ang eleksiyon.
Matatandaang inabandona ni PASA president Mark Joseph ang asosasyon bunsod ng personal na pagkakasangkot sa kontrobersyal na graft cases na isinampa sa Officer of the Ombudsman.