Nais ni Senator Antonio Trillanes IV na imbestigahan ang drug watch list ng pamahalaan na batayan ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang drug campaign.
Aniya kailangang malaman ang katotohanan ng mga listahan dahil marami sa mga napapaslang sa drug campaign ay mga inosente.
“The drug watch list,’ instead of being a mechanism to prevent further criminality in the country, may have become an arbitrary hit list, with people whose names were inadvertently or maliciously included in the list ending up being killed,” pahayag ni Trillanes.
Binanggit niya ang kaso ng 19-anyos na si Raymart Siapo, na dinukot at pinatay ng mga armadong kalalakihan noong Marso.
Ayon sa ina ng biktima, napasama sa drug list ang pangalan ng kanyang anak matapos makasagutan ang isang kilalang “asset” ng pulisya, na hindi na rin nakita makaraang mapatay ang kanyang anak. (Leonel Abasola)