LALO pang naglalagablab ang Afternoon Prime ngayong summer sa maiinit na tagpo sa D’ Originals.

Ngayong linggo, tuluyan nang magiging marupok si Lando (Jestoni Alarcon). Maaakit at mahuhulog na siya sa patibong ni Yvette (Katrina Halili) habang walang kamalay-malay ang kanyang misis na si Josie (Jaclyn Jose). Nagle-level-up ang lihim na relasyon ni Lando at Yvette dahil kahit sa beach, magtatagpo sila. Pero ang mga “original”, nasa same resort din!

Mahuli kaya ni Josie ang milagrong ginagawa ng kanyang asawa?

Samantala, mapupuno naman na si Marge (LJ Reyes) kay Caloy (Mark Herras) na bukod sa wala nang trabaho ay hindi pa maasahang magbantay ng anak at mag-asikaso sa bahay. Sa sobrang galit, babasagin ni Marge ang gitarang pinakamamahal ng musikerong mister.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Mabibigo naman si Art (Archie Alemania) dahil ‘false pregnancy’ pala ang akala niyang ipinagbubuntis ni Sofia (Kim Domingo). Sa sexy pictorial sa beach ng kanyang pinakabagong talent na si Alice (Meg Imperial), magkikita at magkakainitan ang kanyang misis at ang kanyang ex.

Huwag palampasin ang mas tumitindi pang tagpo sa D’ Originals, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 PM pagkatapos ng Legally Blind sa GMA Afternoon Prime.