Apat na katao, isang mag-asawa at isang magbayaw, na pawang sangkot sa ilegal na droga at minsan nang sumuko sa Oplan Tokhang, ang pinagbabaril ng mga ‘di pa nakikilalang suspek sa San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Sa sariling bahay dumanak ang dugo ng mag-asawang sina Nicholas Evan Pinili, 48, at Mercedes Pinili, 48, kapwa residente ng No. 1 Dr. B. Barangay Progreso, at makalipas ang limang minuto ay napatay naman ang magbayaw na sina Anthony Zamora, 37, at Jonathan Yamba, nasa hustong gulang, kapwa residente ng 112 D, Morales Street, Bgy. Salapan.

Napag-alaman na gumagamit ng droga ang mag-asawang Pinili habang sina Zamora at Yamba ay kapwa tulak ng droga.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) director Police Chief Supt. Romulo Sapitula, dakong 11:00 ng gabi nang pasukin ng 20 ‘di pa nakikilalang suspek, pawang nakasuot ng bonnet, ang bahay nina Pinili at sila’y pinagbabaril.

National

2 lugar sa bansa, makararanas ng dangerous heat index sa Linggo

Pagsapit ng 11:05 ng gabi ay pinasok din ilang ‘di pa nakikilalang suspek ang bahay nina Zamora at Yamba, saka sila pinagbabaril.

Pawang dead on the spot ang mga biktima dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Posibleng umano, ayon sa awtoridad, na may kinalaman sa ilegal na droga ang pamamaslang. (Mary Ann Santiago)