NAUWI sa draw ang duwelo ni top seed Wesley So kay Indian Pentala Harikrishna sa ika-45 sulong ng Queen’s Gambit sa ikasiyam at final round para makisosyo sa ikalawang puwesto sa Shamkir Chess Gashimov Memorial 2017 nitong Linggo sa Azerbaijan.

Nakamit ni Azeri Shakhriyar Mamedyarov ang kampeonato.

Tangan ang limang puntos, nakisosyo ang US-based Pinoy Grandmaster kina dating world champion GM Veselin Topalov ng Bulgaria at GM Vladimir Kramnik ng Russia.

Nagkampeon si GM Shakhriyar Mamedyarov sa nalikom ng 5.5 puntos matapos ang draw kay Topalov sa final round.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tinanghal na second si 23-year-old So matapos makuwenta ang tie break points sa 10-player, single round robin event.

Siksikan sa fifth spot sina GMs Radoslaw Wojtaszek ng Poland, Michael Adams ng England, at Sergey Karjakin ng Russia na may tig-4.5 points.