GIL CUERVA copy copy

“PAPARATING na siya, makikilala na ninyo siya this summer,” ayon sa teaser ng Pinoy adaptation ng koreanovelang My Love From The Star na pagbibidahan ni Jennylyn Mercado at ng bago niyang leading man na si Gil Cuerva. 

Ayon sa nakalagay sa kanyang Instagram account, si Gil ay Filipino-Spanish model and actor, managed by GMA Artist Center at Cornerstone. Madalas siyang nagmo-model sa Hong Kong, kaya nang siya ang mapili para gumanap sa role ni Matteo Do sa rom-com ng GMA-7, umuwi muna siya rito at pumirma ang kontrata sa GMA Artist Center.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Nagsimula na silang mag-taping ni Jennylyn, at mukhang hindi naman nahirapan ang guwapong newcomer na makisapagsabayan sa mga kasama na niyang datihan at mahuhusay na artista. Ayon sa mga nakakapanood ng taping, hindi siya mukhang baguhan sa pag-arte. 

Ang dalawa sa mga kasama nila ni Jen sa My Love From The Star ay sina Rhian Ramos at Gabby Eigenmann.

“Malaking tulong sa akin ang mga advices na nakukuha ko sa mga matutulungin kong co-actors,” sabi ni Gil. “Pero si Jennylyn ang pinakamatindi kong kalaban. Effortless kasi ang pagganap niya bilang si Steffi at kung minsan nahihirapan akong magpigil sa pagtawa. Kaya madalas akong ma-out of character dahil sa magaling siyang magpatawa, ako pa naman as Matteo Do ay seryoso ang character ko. Salamat din kay Jen, sa mga advices niya, natutunan ko na rin ang technique sa pagpigil ng pagtawa.”

Ayon sa mga nakakasama nila sa taping, magkasundo sina Jennylyn at Gil off-cam kaya comfortable na rin sa pag-arte si Gil.

Malapit nang mapanood ang My Love From The Star, mula sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal. (NORA CALDERON)