Sugatan ang isang babae sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay West Crame, San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng sugat sa ulo si Christine Samutya, 20, kasalukuyang ginagamot sa San Juan Medical Center.

Ayon kay San Juan City Fire Insp. Greg Bomewey, dakong 10:26 ng gabi nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na bahay ni Erlinea Bienek sa Road 11, 1st West Crame.

Mabilis na kumalat ang apoy na lumamon sa 23 bahay na karamihan ay gawa sa light materials.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Dakong 11:18 ng gabi idineklarang under control ang sunog at pagsapit ng 12:06 ng madaling araw ay tuluyang naapula.

Sinasabing napabayaang kalan ang sanhi ng sunog at aabot sa P1.3 milyon ang halaga ng ari-ariang natupok.

(Mary Ann Santiago)