Sa selda ang bagsak ng 11 katao na nakumpiskahan ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon sa Muntinlupa, Parañaque at Taguig City nitong Linggo.

Kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon sina Blessilda Dolenzo y Celada, alyas “Ching”, 46; Alexander Bargo y Giminez, alyas “Alex”, 42; Jermine Valencia y Celada, 35; Edwin Avestruz y Moreno, alyas “Kambal Payat”, 27; Randy Conde y Calipay, alyas “Pol”, 40; Rolando Tejada y Chavez, alyas “Onad”, 30; Joseph Hernandez y Fulla, alyas “Joseph”, 38; Ricardo Tomas y Villaluz, alyas “Pimbo”, 47; Jestoni Oporto y Saputalo, 24; Ayson Siscar y Mendoza, 25; at Jordan Paul Andal y Rosales, alyas “Tyson”, 24.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), dakong 1:00 ng madaling araw dinakma sina Dolenzo, Bargo at Valencia nang maaktuhang bumabatak ng shabu sa Southville 3 NHA, Barangay Poblacion.

Nakuha sa mga suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

National

Preventive suspension na inisyu ng Ombudsman, ‘politically motivated’—Mayor Marcy

Nadakip naman si Avestruz ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 4 sa Kalye Aswang, Bgy. Cupang, bandang 2:40 ng madaling araw, nang makuhanan ng tatlong pakete ng umano’y shabu.

Dakong 12:30 ng hapon naman hinuli ng Station Drug Enforcement Unit (STEU) sina Conde, Tejada at Hernandez nang maabutang gumagamit ng ilegal na droga sa isang bahay sa NHA Southville 3, Bgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Sa Parañaque, dinampot sina Tomas, Oporto at Siscar nang makuhanan ng umano’y shabu sa magkakahiwalay na operasyon sa Bgy. Don Galo, Bgy. Tambo at Bgy. San Dionisio.

Sa buy-bust operation naman pinosasan si Andal at nakuha sa kanya ang tatlong pakete ng umano’y shabu at P500 marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Bella Gamotea)