MOSCOW (AFP) – Idinetine ng pulisya ang mahigit 100 aktibista sa Saint Petersburg nitong Sabado habang daan-daang tagasuporta ng oposisyon nakiisa sa protesta laban sa inaasahang pagkakandidato ni President Vladimir Putin sa halalan sa susunod na taon.

Ang mga protesta sa ilang lungsod ay ipinanawagan ng kilusang Open Russia na itinatag ng mahigpit na kalaban ni Putin at dating oil magnate na si Mikhail Khodorkovsky.

Idinetine sila sa ilalim ng slogan na ‘’We’re sick of him’’ -- na ang tinutukoy ay si Putin.

Hindi pa nagpapahiwatig si Putin kung tatakbo siya sa ikaapat na termino bilang pangulo sa halalan sa Marso 2018.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na