Siyam na pasahero ng bus, kabilang ang tatlong bata, ang nasugatan makaraang bumangga ang sasakyan sa isang truck sa national highway ng Barangay Canacan, Kabasalan, Zamboanga Sibugay, iniulat ng pulisya kahapon.

Batay sa report ng Police Regional Office (PRO)-9, iisang direksiyon ang tinatahak ng pampasaherong bus na minamaneho ni Roldan Aballe Balanay, 27, at ng Isuzu dump truck na minamaniobra ni Michael Jay Putol, 23 anyos.

Ayon sa pulisya, sinubukan umanong mag-overtake ng bus sa truck pero nagkabanggaan ang dalawa.

Kapwa naaresto sina Balanay at Putol. - Fer Taboy

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog