SAN JOSE Antique – Ginapi ng National Capital Region ang Western Visayas, 75-48, nitong Sabado para sa kampeonato ng Palarong Pambansa secondary boys basketball sa San Jose De Buenavista, Antique.

Umiskor si Gerry Abadiano ng 25 puntos, habang kumana si Encho Serrano ng 21 puntos para sa NCR, kinatawan dito ng player mula sa Adamson at Chiang Kai Shek College.

Tinanghal na Most Valuable Player si Serrano, habang bahagi si Abadiano ng Mythical Five. Hataw sina Serrano at Abadiano sa pinagsamang pitong puntos sa 13-0 run ng NCR para sa 30-16 bentahe sa first period.

Nagpatuloy ang dominasyon ng NCR sa 24-13 run para tuluyang pabagsakin ang Western Visayas na kinatawan ng Santa Clarita International School.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nanguna si Ryan Calama-an sa Western Visayas sa naiskor na 11puntos. Kabilang din siya sa Mythical Five.

Nakopo ng Central Visayas,kinatawan ng University of Visayas, ang bronze medal nang pabagsakin ang Calabarzon- San Beda Taytay, 77-71. (Marivic Awitan)