Malalalim na saksak sa katawan ang ikinamatay ng isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng umano’y tulak ng droga dahil sa hindi pagbayad ng shabu sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Dead on the spot si Marlon Olivarez, 35, ng Block 5, Lot 7, Phase 22, Paradise Village, Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod.
Base sa report ni PO1 Joenel Claro, bandang 2:45 ng madaling araw nangyari ang insidente sa Paradise Village.
Sinisingil umano ng hindi pa nakikilalang suspek si Olivarez sa kinuha nitong shabu na nagkakahalaga ng P300, ngunit walang maibayad ang huli.
Nagkapalitan pa ng maaanghang na salita ang suspek at ang biktima hanggang sa pagsasaksakin ng una si Olivarez saka mabilis na tumakas. (Orly L. Barcala)