Duguang bumulagta ang isang lalaki habang sugatan naman ang isang babae sa pamamaril sa Commonwealth, Quezon City kahapon.
Inilarawan ang lalaking biktima na nasa edad 30-40, nakasuot ng itim na t-shirt, may tattoo sa dibdib.
Kinilala naman ang babaeng biktima na si Noemi Acosta, nasa hustong gulang, at walang permanenteng tirahan.
Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), dakong 12:00 ng hatinggabi nang makarinig ang mga residente ng sunud-sunod na putok ng baril sa Don Fabian Street, Barangay Commonwealth.
Nang silipin ay dito na umano nadiskubre ang bangkay ng biktima.
Nakaligtas naman si Acosta nang maisugod agad sa pinakamalapit na ospital.
Tinutugis na ng awtoridad ang nasa likod ng pamamaril. (Jun Fabon)