Taliwas sa karaniwan nang eksena ng siksikan, iilan lang ang nagtungo sa mga tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) kahapon, ang huling araw ng pagpaparehistro para makaboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 23.

Karaniwan nang pinakamarami ang dagsa ng mga nagpaparehistro sa huling araw ng registration.

“Reports still incomplete but it looks like a majority of cities and regions nationwide are reporting low to middling turn out of registrants today,” sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang panayam.

Kabilang sa mga na-monitor ng Comelec kahapon ang Quezon City at Maynila.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

Sa kanyang Twitter account, nag-post si Jimenez ng litrato ng pagrerehistro sa Quezon City na may caption na: “Still pretty laid back compared to previous registration deadlines”.

Sa isa pang post na itinampok naman ang lokal na Comelec office sa Maynila, nakasaad sa caption ni Jimenez: “During previous registration periods, this area would’ve overflowed with deadline beaters.”

“This is shaping up to be the most uneventful end of registration in recent memory,” sabi pa ni Jimenez.

Nang tanungin tungkol sa posibleng dahilan ng kakaunting nagparehistro, tinukoy ni Jimenez ang posibilidad na muling maipagpaliban ang halalan sa barangay at SK na isa sa mga dahilan nito.

Ikinatwiran din ng opisyal ang epektibong satellite registration campaign ng Comelec, at ang dalawang magkasunod na registration period, na mga dahilan ng matamlay na huling araw ng voters’ registration.

Batay sa datos nitong Abril 15, nakatanggap na ang Comelec ng mahigit dalawang milyong aplikasyon para sa registration. (Leslie Ann G. Aquino)