Ang copy

Itinanggi kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na sangkot siya sa umano’y planong pagpatay sa gambling operator na si Charlie “Atong” Ang.

“I categorically deny all the accusations of Atong Ang for being complete fabrications,” saad sa pahayag ni Aguirre.

Sinabi ni Ang na isa si Aguirre sa apat na katao na nagpaplano umanong ipapatay siya dahil sa mga gambling operation niya sa bansa.

Trending

Netizens naka-relate, napahugot sa 'Hindi na marami ang tubig ng instant noodles'

“I am ready to face any kind of investigation that might be conducted, be it legislative, criminal or administrative,” sabi pa ni Aguirre. “I am not afraid as I have nothing to hide. My conscience is clear.”

Bukod kay Aguirre, tinukoy ni Ang na kabilang din sa apat na nais niyang ipapatay si National Security Adviser Hermogenes Esperon, at ilang miyembro ng Philippine Military Academy Class (PMA) of 1982.

Dahil dito, umapela si Ang kay Pangulong Duterte laban sa mga taong nais umano siyang ipaligpit.

Sinabi pa ni Ang na ginagamit umano ni Aguirre ang National Bureau of Investigation (NBI) upang ipapatay siya, at mismong NBI agents ang nagpaalam umano sa kanya sa nasabing plano ng kalihim. (Jeffrey G. Damicog)