Nagpahayag ng matinding pagkabahala ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa lumulubhang tensiyon sa Korean Peninsula, kasunod ng dalawang nuclear test ng North Korea noong 2016 at ng pagpapakawala ng ballistic missiles.

“ASEAN is mindful that instability in the Korean Peninsula seriously impacts the region and beyond. ASEAN strongly urges the DPRK (North Korea) to comply fully with its obligations arising from all relevant United Nations Security Council Resolutions and international laws in the interest of maintaining international peace and security,” saad sa pahayag ng ASEAN Foreign Ministers kahapon.

Nanawagan ang ASEAN sa North Korea at sa lahat ng kinauukulang panig na magsagawa ng “self-restraint” upang humupa ang tensiyon, at iwasang gumawa ng anumang hakbangin na makapagpapalala sa sitwasyon.

Suportado rin ng ASEAN ang “denuclearization” sa Korean Peninsula kaya naman umapela ang mga kasaping bansa ng panunumbalik ng diyalogo sa layuning magkaroon ng kasunduan tungo sa kapayapaan sa rehiyon.

National

Paalala ng DOH: Maghinay-hinay sa pagkain ng matataba, matatamis at maaalat ngayong holidays!

Una nang iniulat ng Agencé France Presse (AFP) na nanawagan ang North Korea sa mga bansang kasapi ng ASEAN na suportahan ito sa pakikipagirian sa Amerika upang maiwasang mangyari ang banta nitong “nuclear holocaust”.

Tinukoy ang liham ni North Korean Foreign Minister Ri Yong Ho sa ASEAN secretary general, nagbabala ang AFP na ang sitwasyon sa Korean Peninsula ay “reaching the brink of war” dahil sa mga pagkilos ng Washington.

(Bella Gamotea at Argyll Cyrus Geducos)