Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Subic, Zambales ang tatlong high-end na sasakyan mula sa South Korea na tinatayang nagkakahalaga ng P10 milyon.

Kabilang sa mga nakumpiskang sasakyan ang isang gamit na BMW 745 Sedan, isang gamit na BMW 745 Li Sedan, at isang Hyundai Equus JS350 Sedan, na dumating sa Port of Subic sakay sa M/V SITC Osaka 1636S, at naka-consign sa Sea Star Express Corp., isang freight forwarder.

Kinumpiska ng BoC ang mga kotse matapos matuklasang lumabag ang shippers nito sa probisyon ng Customs Modernization at Tariff Act (CMTA) kaugnay ng Section 3 ng Executive Order 156 na nagbabawal sa pag-aangkat ng mga gamit nang sasakyan. (Mina Navarro)

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental