PANGUNGUNAHAN nina Butch Cambra (Hawaii), Peter Elm (Guam), Christian Staskow & Chris Castillo (Hawaii); Phil Snead (Tennessee); Kelly Everly (Kentucky) at kabahagi ng kasalukuyang kampiyon na si Bruce Brown ang ilan sa mga dayuhan na dumating para lumahok sa pinakahihintay na 2017 World Pitmasters Cup 2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby na gaganapin sa Mayo 14-20 sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.

Maliban sa P15M na garantisadong premyo, isang bagong Strada GL 4x2 M/T pick-up truck ang makakamit ng handler ng magkakampiyon na lahok. Ang entry fee ay P88,000, samantalang ang minimum bet ay P55,000.

Handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea ang pandaigdigang labanan na ito ay inaasistehan ni Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa.

Sa kapahintulutan ng Games & Amusements Board, ang makasaysayang labanan ng mga tinale ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA