LOTLOT copy

SUPER successful ang premiere night ng pelikulang First Sem last Saturday sa Cinema 11 ng SM North Edsa. Masayang-masaya ang bida na si Lotlot de Leon dahil kumpletong dumating ang mga kapatid niyang sina Matet, Ian, Kiko at Kenneth de Leon.

Na-touch nang husto si Lotlot sa ipinakitang full support ng mga kapatid na kanyang inalagaan. Kahit hindi nakarating ang panganay niyang anak na si Janine Gutierrez na nasa Bacolod nang gabing iyon kasama si Mikael Daez para sa promo ng kanilang TV series na Legally Blind.

Hindi rin nakarating ang daddy niyang si Christopher de Leon na nasa taping naman. Ang ina naman niyang si Nora Aunor ay hindi rin nakarating dahil nasa Singapore daw.

BALITAnaw

#BALITAnaw: Mga sikat na personalidad na sumakabilang-buhay ngayong 2024

Gayunpaman, kitang-kita ang kasiyahan ni Lotlot sa muling pagkakaipon ng kanyang mga kapatid na ayon sa kanya ay bibihira na nilang magawa. Nakumpleto uli sila nang gabing iyon sa premiere night ng 1st Sem.

Ikinuwento ni Lotlot ang mga karanasan nilang magkakapatid at ipinagpapasamat niya sa Panginoong Diyos ang anumang nararating ng bawat isa sa kanila at ang kanilang natanggap na biyaya.

Banggit pa ng aktres, may mga panahon noon na wala silang kapera-pera at umaabot ng ilang buwan hanggang ilang taon na wala siyang proyekto o trabaho. Pero sa tulong ng patuloy na pagdarasal ay hindi siya sumuko sa lahat ng mga pagsubok sa kanila.

Ang maraming mga karanasan ni Lotlot sa simula pagkabata ang siyang nakakatulong sa kanya upang maging matatag at maging mahusay na aktres.

Hindi rin itinatago ni Lotlot na may apat na taon na ang relasyon nila ng kanyang Lebanese businessman boyfriend.

Ibinida rin sa amin ni Balot na kinuha na ni Fed El Soury ang sukat ng kanyang daliri.

So, malapit na ring magpakasal si Lotlot. Wala na rin namang magiging problema dahil matagal nang annulled ang kasal niya sa dating asawang si Ramon Christopher. (Jimi Escala)