Sinibak ng Office of the Ombudsman sa serbisyo ang isang alkalde ng Leyte dahil sa ilegal na pagrenta sa lodging house ng kanyang kapatid noong 2005.

Ayon sa desisyon ng Ombudsman, bukod sa hatol na dismissal from the service, pinagbawalan na rin si Sta. Fe Mayor Melchor Quemado na magtrabaho sa anumang posisyon sa pamahalaan, at kanselado na rin ang kanyang retirement benefits at civil service eligibility.

Idinahilan ng Ombudsman, napatunayang nagkasala si Quemado sa reklamong grave misconduct na saklaw ng kasong administratibo.

Paliwanag ng Ombudsman, natuklasan nilang umupa si Quemado sa Hayward Travelodge sa Tacloban City na aabot sa P16,000 para sa gagawing feasibility study ng mga consultant ng gobyerno, kahit pa hindi na kinakailangang gawin ito, noong Disyembre 2005.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Ang naturang lodging house ay pag-aari ng kapatid ng alkalde na si Anastacio Quemado.

“The rental was irregular since (1) it was an unnecessary expense, there being available office space in the municipal building to the house the consultants conducting a feasibility study; (2) Hayward’s location, which is about 21 kilometers from the municipality of Sta. Fe, renders it impractical as a venue for the preparation of the feasibility study; (3) the check payment for the rental for two months was made to respondent instead of Hayward; (4) Hayward had no business permit when it transacted with the municipality,” paglilinaw ng Ombudsman. (Rommel P. Tabbad)