CAMP DIEGO SILANG, La Union – Isang 42-anyos na dating bise alkalde at kasama niyang babae ang nasawi makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek na lulan sa motorsiklo sa Aspiras Highway sa Barangay Tavora East, Pugo, La Union, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Chief Insp. Silverio Ordinado, Jr., information officer ng La Union Police Provincial Office, ang nasawi na si Vincent Rafanan, 42, dating bise alkalde ng bayan ng Sto. Tomas; at kasama nitong si Beatriz Malicdem Sakamoto, ng Pangasinan.

Ayon sa paunang imbestigasyon, sakay ang mga biktima sa asul na Mazda car (PVM-570) bandang 10:00 ng gabi nitong Miyerkules nang ratratin sila ng mga hindi nakilalang armado na sakay sa motorsiklo.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima, na kapwa dead on arrival sa La Union Medical Center sa Agoo.

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman

Nakarekober ang pulisya ng mga basyo ng .45 caliber pistol at armalite rifle sa pinangyarihan ng krimen.

Inaalam na ng pulisya kung may kinalaman sa pulitika o personal na alitan ang pamamaslang. (ERWIN BELEO)