Hindi nagtagumpay ang walong buwang buntis sa pagdi-deliver ng 900 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P3 milyon, matapos arestuhin ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) sa drug operation sa Biñan, Laguna, nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay NPD Director Police Chief Supt. Roberto Fajardo, paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ni Rohannie Ampuan, 30, ng Block 8, Lot 33, Famille International, Barangay Paz, Biñan, Laguna.

Bago inaresto si Ampuan, dinakma ng awtoridad sina Juluis Garcia, 30: Jeffrey Sanggalang, 26; Jeramae Felizardo, 31; Zaldy Medina, 32 at Angelito Legazpi, 40, sa buy-bust operation sa Julian Felipe Street, Bgy. 8, Caloocan City, bandang 5:30 ng hapon nitong Martes.

Nakuha sa kanila ang 25 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P100,000, at sinabing si Ampuan ang kanilang supplier.

National

De Lima sa Bar passers: ‘Patuloy sana tayong magsilbing inspirasyon sa ating bayan’

Hindi nag-aksaya ng panahon ang grupo ni Fajardo at ikinasa ang drug operation sa bahay ni Ampuan, dakong 9:30 ng gabi. (Orly L. Barcala)