INIURONG ng UAAP Executive Board ang itinakdang championship match ng Season 79 volleyball bilang pagbibigay-daan sa ginaganap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leadership meeting.

Mula sa orihinal na petsang Abril 29 sa Mall of Asia Arena, ang Game 1 ng best-of-3 finals series ng men’s at women’s division ay itinakda sa bagong petsa na Mayo 2 sa Araneta Coliseum.

Ang Game 2 naman ay itinakda sa Mayo 6 sa parehas ding venue habang ang Game 3 kung kinakailangan ay sa Mayo 10 at gaganapin din sa Big Dome.

Magtutuos sa women’s finals ang defending women’s champion De La Salle University at Ateneo de Manila University para sa ika-6 na sunod na taon.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Hihintayin pa ng reigning 3-peat seeking Ateneo de Manila Blue Eagles ang kanilang makakalaban sa men’s Finals sa pagitan ng National University at Far Eastern University na kasalukuyang nagsasagupa sa do-or-die match sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Gaganapin sa bansa ang 30th edition ng ASEAN summit simula kahapon hanggang sa Sabado. (Marivic Awitan)