Sermon ang inabot ng isang opisyal at isang police officer ng Manila Police District (MPD) na “nagkainitan” sa lobby ng MPD headquarters, sa UN Avenue sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Kapwa ipinatawag ni MPD Director Police Chief Supt. Joel Napoleon Coronel sina Police Supt. Redentor Ulsano, hepe ng MPD-District Investigation and Detection Management, at PO3 Eduardo Molato, nakatalaga sa District Operation Special Unit, upang pagpaliwanagin sa insidente.

Base sa ulat, dakong 8:30 ng umaga nagkainitan sina Ulsano at Molato habang nagsasagawa ng formation ang mga pulis.

Sinasabing nahuli sa pagdating si Molato at nang tanungin siya ni Ulsano kung bakit siya na-late ay “pabalang” niya itong sinagot.

Ethics complaint mula sa indigenous group, inihain laban kay Rep. Castro; dapat daw tanggalin sa puwesto?

Ikinagalit umano ito ni Ulsano kaya “sinikmuraan” niya si Molato at muntik nang mauwi sa suntukan.

Humingi na ng paumanhin si Molato at inaming siya ang may pagkakamali sa nangyari. (Mary Ann Santiago)