Patay ang magkaibigan makaraang pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang suspek sa Navotas City, nitong Martes ng gabi.
Kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan sina Esteban Lansangan Jr., 30, at Danilo Viojan, 31, ng Barangay Tangos ng nasabing lungsod.
Sa inisyal imbestigasyon, bandang 10:00 ng gabi, nagkukuwentuhan ang magkaibigan sa bahay ni Lansangan at pinasok at pinagbabaril ng mga salarin.
Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril at nakita ang apat na lalaki, pawang nakasuot ng jacket, na nagmamadaling lumabas ng eskinita.
Napag-alaman na nasa drug watch list ng barangay sina Lansangan at Viojan. (Orly L. Barcala)