Bilang bahagi ng paghahanda sa 30th Association of South East Asian Nation (ASEAN), ikinasa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang One Time, Big Time operation na ikinamatay ng pitong katao habang 169 ang inaresto.

Iniharap kahapon ni MPD Director Police Chief Supt. Joel Napoleon Coronel kay Chief Supt. Oscar Albayalde, director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), at sa media ang 169 na dinampot sa 61 police operation.

Bukod sa mga naaresto, napag-alaman na may pitong indibiduwal ang nanlaban at napatay sa kasagsagan ng mga operasyon.

Ang mga inarestong suspek ay pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002), RA 1059 (Comprehensive Fire and Ammunition Regulation Act), Presidential Decree 1601 (Illegal Gambling), Theft, Robbery, Omnibus Election Code at City Ordinances.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

Nakumpiska rin sa mga suspek ang mga shabu, marijuana, video karera machine, baril, at patalim. (Mary Ann Santiago)