BANGKOK (Reuter) – Kinunan ng isang lalaking Thai ang sarili na pinapatay ang kanyang 11-buwang anak na babae at ipinaskil ang dalawang video nito sa Facebook bago magpakamatay noong Lunes.

May 24 oras ding nasilip ng mga tao ang mga video ng pagpatay sa sanggol hanggang sa alisin ito ng Facebook dakong 5:00 ng hapon sa Bangkok nitong Martes, o halos isang araw matapos itong i-upload.

Napanood dito ang pagtatali ni Wuttisan Wongtalay sa leeg ng kanyang anak na si Natalie, bago ibinaba ang bata na nakasuot ng pink na damit, mula sa bubungan ng isang abandonadong gusali sa bayan ng Phuket.

“He was having paranoia about his wife leaving him and not loving him,” sinabi ni Jullaus Suvannin, ang police officer na may hawak ng kaso.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline