HINDI pa man ay excited na ang mga followers ni Bro. Jun Banaag na mapanood ang kanyang debut movie.

Nasa kamay na ni Bro Jun ang script ng indie movie na may pamagat na Midnight Flowers. Ang role niya ay bilang 64-year old lolo na bulag at may pagkapilosopo.

Ipinahiwatig din ni Bro. Jun na baka mapasama sa proyekto ang batikang aktres na si Gina Pareño.

“Isipin ko lamang na makakaeksena ko si Ms. Pareño ay parang gusto ko nang umatras. Super galing siya sa Ang Probinsiyano.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Agad nag-text si Dulce ng pagsuporta kay Bro. Jun saying, “Go for it. Kayang-kaya mo ‘yan.”

Samantala, nilinaw din ni Bro. Jun na walang pagbabago sa kanyang Dr. Love Radio Show sa DZMM. Pero doon sa kanyang afternoon program na Always and Forever, mula one thirty hanggang alas dos ng hapon na ito mapakikinggan sa radyo at mapapanood sa DZMM TeleRadyo. -- Remy Umerez