Iginiit ni Miss World Philippines 2015 Hillarie Danielle Parungao na masibak sa puwesto ang buong puwersa ng Solano Police sa Nueva Viscaya upang maiwasan, aniya, ang anumang cover-up sa pagkamatay ng kanyang ama.

Sa pinakahuling report, lumalabas sa forensic at ballistic examination na posibleng nagpakamatay ang ama ng beauty queen na si Edmundo Parungao, 46, negosyante.

Ito ang inilabas na pahayag base sa ulat ng Police Crime Laboratory sa Nueva Vizcaya, subalit hindi ito pinaniniwalan ng beauty queen.

Nais ni Hillarie na ma-relieve ang hepe at lahat ng operatiba ng Solano Police upang maiwasan ang cover-up.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa panayam ng Balita, sinabi ni Hillarie na may pananagutan ang mga pulis na naka-duty nang sinasabing magbaril sa sarili ang kanyang ama.

Nakiusap din si Hillarie sa iba pang law enforcement unit na tulungan ang kanyang pamilya sa reinvestigation para matukoy ang totoong nangyari.

Batay sa record ng pulisya, nadakip si Edmundo sa buy-bust operation sa Barangay Osmeña sa Solano noong Abril 18, at nang nasa presinto ay nang-agaw umano ito ng baril mula sa escort at biglang nagbaril sa sariling bibig, na kaagad nitong ikinamatay. (Liezle Basa Iñigo)