Nasa state of calamity ang bayan ng Piagapo at Balindong sa lalawigan ng Lanao del Sur matapos maglunsad ang militar na malakihang opensiba laban sa Abu Sayyaf at Maute Group.

Ang “pagpulbos” sa mga terrorist group ay iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang sagot sa kanilang pag-atake sa mga lugar sa labas ng Mindanao tulad ng Bohol.

Ayon sa ulat ni Piagapo Mayor Ali Sumandar, mahigit 400 pamilya mula sa apat na barangay ang lumikas upang hindi maipit sa labanan ng militar at mga terorista.

Apat na bahay ang nasira ng mga inihulog na bomba ng militar.

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko

Tiniyak naman ni Tabak 1st Division, Philippine Army spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera, na hindi na makaalpas ang Abu Sayyaf at Maute.

Sinabi ni Herrera na mahihirapan na silang makapasok sa ibang bayan ng Lanao del Sur at makapuslit patungong Hilagang bahagi ng Mindanao.

Nabatid na nagsimula na atakehin ng militar ang mga terorista noong Abril 21 at wala pa ring humpay ang pagtugis nila. (Leo P. Diaz)