Nagpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, ngayong araw, Martes, matapos ang sunud-sunod na taas-presyo sa nakalipas na mga linggo.
Sa anunsiyo ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ngayon, magtatapyas ng 40 sentimos sa kada litro ng kerosene, 30 sentimos sa diesel at 20 sentimos sa gasolina.
Sinundan ito ng Shell, ganap na 6:00 ng umaga ngayon, na nagtapyas din ng kaparehong presyo.
Ang nasabing bawas-presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan. (Bella Gamotea)