July 25, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Alan, pabor sa pagsasaayos ng impeachment trial; sinita kawalan umano ng BRC hearing

Sen. Alan, pabor sa pagsasaayos ng impeachment trial; sinita kawalan umano ng BRC hearing
Photo courtesy: Alan Peter Cayetano/FB


Direktang mga komento ang ibinato ni Sen. Alan Peter Cayetano hinggil sa usaping impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte at Blue Ribbon Committee hearing kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Sa pahayag na inilabas ni Sen. Alan sa isinagawa niyang Facebook live nitong Lunes, Hulyo 6, sinuportahan niya ang aniya’y pagsasaayos ng impeachment proceedings ni VP Sara—kasabay ang pagkuwestiyon niya sa tila kawalan ng schedule pagdating sa pagdinig ukol sa flood control scandal.

“Impeachment starts today. Sinabi ‘yong isang side 62 trial days; ‘yong isa 30 trial days. Ano po ibig sabihin nito? Kasi 3 times a week lang po kami, so tatlumpung linggo po tayong magta-trial,” saad ni Sen. Alan.

Aniya, “Okay lang po ‘yon, kasi napakaimportante po ng accountability, napakaimportante masunod ‘yong impeachment. But ito po tanong ko: Bakit natin ginagawa lahat ng pag-aayos, lahat po para maayos po ang impeachment, 30 weeks pero walang schedule sa Blue Ribbon Committee sa flood control?”

“Ni isang hearing, hindi makapag-announce kung kailan ‘yong hearing—at mabigyan ng pag-asa ‘yong mga witnesses?” pagkuwestiyon pa niya.

Politics

'We haven't slowed down!' Sen. Ping, tuloy imbestigasyon sa Taguig kahit weekend!



Anang mambabatas, hindi niya kini-criticize ang mga nangyayari—idiniin pa niya na tama umano ang pagkakaroon ng pre-trial at pagiging impartial hinggil sa naturang paglilinis sa Pangalawang Pangulo.

“Pero pagdating dito sa impeachment—uulitin ko po ha, hindi ko kini-criticize…Tama ‘yong impeachment, tama na isaayos natin ‘to, tama na nagkaroon ng pre-trial, tama na lahat tayo maging impartial—ba’t hindi ba tayo puwedeng maging impartial din sa flood control at napakarami pang ibang corruption issues,” anang mambabatas.

Sisimulan ngayong araw ang impeachment trial laban kay VP Sara.

Gayunpaman, kumpirmadong hindi dadalo ang Bise Presidente sa nasabing paglilitis.