Nagsama-sama ang mga miyembro ng “Protect Senator Robin Padilla Movement” na karamihan ay Muslim bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa nasabing senador.
Sa isang Facebook post ni Sen. Robin nitong Lunes, Hulyo 6, ibinahagi niya ang larawan kasama ang mga kasapi ng grupo, kalakip ang mensahe ng pasasalamat.
“Assalamu alaiku. Maraming salamat mga kapatid,” saad ni Sen. Robin.
Matatandaang kabilang si Sen. Robin sa mga senador na napipintong makasuhan.
Itinuturing siya ng National Bureau of Investigation (NBI) bilang person of interest sa pag-eskapo ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Batay sa isinapublikong CCTV footage ng pulisya noong Mayo 20, magkasamang pumunta sina Dela Rosa at Padilla sa parking lot ng Senado at sumakay sa Fortuner na puti na may plakang “DAV 1225” na nakarehistro umano sa pangalan ng huli.
Ngunit sa isang pahayag na nilabas ni Padilla nitong Biyernes, Mayo 22, itinanggi niya ang ibinabato sa kaniyang paratang.
Maki-Balita: Sen. Robin, kailangang makasuhan!—Trillanes