HINDI na namin papangalanan ang mga bida sa item na ito dahil tapos na at may kanya-kanya na silang buhay.

Masaya sina Aktor Z at Aktres B sa kanilang relasyon at sa katunayan ay marami ang nanghula na sila na ang magkakatuluyan.

Pero bigla silang nagkahiwalay dahil nagkaroon ng one-night stand si Aktres B kay aktor J na nakasama niya sa isang pelikula.

Pareho kasing nalasing sina Aktres B at Aktor J nu’ng minsan silang mag-inuman pagkatapos ng mahabang eksena sa pelikula. Kung baga, stress reliever lang sana hanggang sa paggising nila ay magkatabi na sila sa iisang kama.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Okay naman ang naging usapan, no string-attached dahil pareho na silang taken.

By the way, si Aktor J ay may girlfriend, si Aktres A.

‘Kaso patuloy pa ring nagkita sina Aktor J at Aktres B, kasi nga may ginagawa silang pelikula. Sa madaling salita, nasundan nang nasundan ang isang gabing pagniniig hanggang sa may nakakita at ipinarating sa kani-kanilang partner sa buhay.

Nag-usap nang masinsinan sina Aktor Z at Aktres B kung bakit nagulo ang relasyon nila at inamin naman ng huli na kasalanan niya, pero may espekulasyon noon ang lahat na ang una ang may kasalanan kaya sila naghiwalay.

Nagdesisyong maghiwalay sina Aktor Z at Aktres B pero nagkasundo na kahit tapos na ang relasyon nila ay magiging mabuti silang magkaibigan, na siya namang nangyayari ngayon.

Samantala, si Aktor J ay nahiwalay din kay Aktres A dahil nalaman din ng girl ang ginawang panloloko ng una.

Gayunpaman, naging magkaibigan din sila base, bilang pagsunod naman sa payo ng kanilang mga kaibigan na huwag tapusin ang kanilang relasyon.

Sina Aktres A at Aktres B ay hindi nag-uusap dahil dito.

Hindi lumabas ang pangalan ni Aktres B sa paghihiwalay nina Aktor J at Aktres A dahil na rin sa pakiusap ng kanilang managers. Kaya hindi nabuyangyang sa publiko, na mabuti na rin or else tiyak na sirang-sira na sana ngayon ang kanilang mga imahe.

Sa katunayan, tila nagkaroon ng news blackout tungkol ito kaya hindi masyadong lumaki ang isyu. Lahat kasi ng involved ay pinatahimik ng kani-kanilang manager.

Pero heto na, sadyang hindi makapagpigil si Aktres A kung minsan sa kanyang nararamdaman. Kaya may mga shoutout siya sa social media na nababasa naman ng supporters ng bawat artistang bida sa blind item na ito.

Hanggang sa nakipagsagutan ang isang supporter kay Aktres A dahil nga pinariringgan nito ang idolo niyang aktres, at dito na nahulaan ng netizens ang buong istorya.

Ipinadala sa amin ang screen shots ng sagutan ni Aktres A at supporter ni Aktres B pero hindi na namin ilalabas dahil nakasulat ang buong pangalan ng una.

Move forward na, sina Aktres A at Aktor J ay nagiging close raw ulit base na rin sa tsikahan ng mga supporter nila na panay ang screenshot sa mga post nila sa kanilang social media account.

Samantalang si Aktor Z ay may iba nang buhay ngayon at sa katunayan ay may nililigawan siyang kasama niya sa isang project.

Si Aktres B naman ay nakahanap na rin ng bagong mamahalin na isa ring aktor na minsang naugnay sa kanya, si Aktor A.

(Reggee Bonoan)