JULIA AT COCO copy

MALABONG mag-guest si Julia Montes sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ng rumored boyfriend niyang si Coco Martin dahil abala siya sa Wansapanataym Presents Annika Pintasera kapareha si JC Santos.

Kadalasang apat na linggo o isang buwan ang airing ng Wansapanataym pero dahil maganda ang istorya at tanggap sina Julia at JC bilang love team, extended ng dalawang linggo ang Annika Pintasera na nagsimula noong Abril 2. Kaya sa ikalawang linggo ng Mayo pa ito magtatapos.

Wala pang balita kung kailan magsisimula ng taping si Julia para sa susunod niyang teleserye pagkatapos ng Doble Kara na umabot ng isang taon at kalahati sa ere dahil nakipagsabayan ito sa mataas na ratings ng show ng kanyang boyfriend. (Aminin! –DMB)

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

 

May nakausap kaming supporter nina Coco at Julia na nagsabing, “Isipin mo, Ate Reggs, baka kaya nag-extend din ang Ang Probinsyano hanggang 2018 kasi mag-iipon nang husto si Coco para sa big day nila Julia. Baka 2018 na ang usapan nila.”

 

Balik-tanong namin, ano ‘yung big day at 2018 na usapan?

“Announcement nila na sila na at kung kailan ang kasal,” sey sa amin.

 

Hmmm, wala pa namang 40 years old si Coco sa 2018. Di ba sabi niya, Bossing DMB, edad kuwarenta siya mag-aasawa?

(Reggee Bonoan)