Bethanie Mattek-Sands,Shelby Rogers,CoCo Vandeweghe,Lauren Davis

WESLEY CHAPEL, Fla. (AP) — Ginapi ng tambalan nina CoCo Vandeweghe at Bethanie Mattek-Sands sina Kristyna Pliskova at Katerina Siniakova, 6-2, 6-3, nitong Linggo (Lunes sa Manila) para magapi ang three-time defending champion Czech Republic sa Fed Cup semifinals.

Tinapos ng Americans ang duwelo sa makapigil-hiningang 3-2 bentahe para makausad sa finals sa unang pagkakataon sa nakalipas na pitong taon. Makakaharap nila ang Belarus, nagwagi sa Switzerland, sa championship sa Nov. 11- 12.

Nakamit ni Vandeweghe ang ikalawang singles match para ibigay sa US ang 2-1 bentahe sa best-of-five series.Naitabla ng Czech ang serye nang gapiin ni Marketa Vondrousova si Lauren Davis 6-2, 7-5 sa Saddlebrook Resort.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Umabot sa isang oras at 21 minuto ang doubles match na pinagwagihan nina Vandeweghe at Mattek-Sands.