Carlo Aquino copy

ANG The Better Half pala ang papalit sa timeslot na iiwan ng The Greatest Loveat ang Pusong Ligaw na ang mapapanood pagkatapos ng It’s Showtime ayon sa source namin sa Dos.

Sobrang taas daw kasi ng ratings ng TGL kaya kailangang ma-maintain ang momentum ng timeslot nito.

Mapapanood ngayong hapon ang bagong mundong haharapin ni Marco (Carlo Aquino) na mabubuo nang muli ang pagkatao at maaalalang tunay niyang asawa si Camille (Shaina Magdayao).

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Tuluyan nang magbabalik ang lahat ng mga alaala ni Marco sa kanilang nakaraan ni Camille. Dahil dito, mabubuko niya ang lahat ng kasinungalingan ni Bianca (Denise Laurel) at ibubuhos ang lahat ng kanyang galit dahil sa panlolokong ginawa sa kanya.

Ang tanong, babalik din kaya ang pagmamahal ni Marco kay Camille ngayong alam niya na ang katotohanan? Ano naman kaya ang gagawin ni Bianca upang manatili sa kanyang piling si Marco? 

Kaabang-abang kung anong hakbang ang gagawin ni Rafael (JC de Vera) para hindi siya iwan ng asawang si Camille.

Napapanood ang The Better Half sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable Channel 167). (REGGEE BONOAN)