Dahil sa reklamong pangongotong, inaresto ang isang pulis sa ikinasang entrapment operation sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang inaresto na si SPO1 Gomercindo Digma, nakatalaga sa Chief Investigation Unit ng San Mateo Police, na pinosasan ng mga tauhan ni Police Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, hepe ng Counter Intelligence Task Force (CITF), sa loob ng Atchas Grill, na matatagpuan sa J.P. Rizal Street, Bgy. Concepcion Uno, dakong 1:20 ng madaling araw.

Agad dinakma si Digma sa aktong tinatanggap ang P5,000 marked money mula sa ‘di pinangalanang complainant, kapalit ng isang sex video.

Sinasabing nakuha ni Digma ang naturang video mula sa cell phone ng live-in partner ng complainant na dating inaresto sa kasong reckless imprudence.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Kasong kriminal at administratibo ang kakaharapin ni Digma. (Mary Ann Santiago)