Dahil sa umano’y pagiging babaero at madalas pag-uwi nang lasing, isang mister ang pinutulan ng ari ng kanyang misis sa Barangay Bancal sa Carles, Iloilo, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa police report, natutulog si alyas “Mike”, 32, sa bahay nito sa Bgy. Bancal sa Carles nang putulan siya ng ari ng asawa.

Gumamit umano ng gunting ang hindi pinangalanang misis.

Isinugod sa Western Visayas Medical Center ang biktima, habang nadakip at iniimbestigahan na ng pulisya ang misis nito.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagalit ang ginang dahil sa madalas na paglalasing at pambababae ng asawa.

(Fer Taboy)