July 23, 2026

Home BALITA Politics

'Heto nakakulong na!' Mike Defensor at kapwa akusado, naaresto sa coffee shop!

'Heto nakakulong na!' Mike Defensor at kapwa akusado, naaresto sa coffee shop!
Photo courtesy: Mike Defensor/FB

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na naaresto na sina dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor at negosyanteng si Joseph Espiritu sa isang coffee shop nitong Biyernes, Hulyo 6, 2026.

Sina Defensor at Espiritu ay kasamang inisyuhan ng Sandiganbayan 3rd Division ng arrest order matapos nilang makitaan ng probable cause ang plunder case laban kay Sen. Rodante Marcoleta.

Bago nito, nauna nang inaresto si Marcoleta nitong umaga ng Lunes, ilang minuto matapos ang padinig ng Sandiganbayan sa mossyong inihain niya ngunit naibasura rin.

KAUGNAY NA BALITA: 'Palagi tayong nagpapasakop sa batas!' Sen. Marcoleta, tanggap pag-aresto sa kaniya!

Samantala, matapos maaresto sina Defensor at Espiritu, dinala sila sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa booking procedure.

Politics

'T*ng*han mo pa ngayon!' Ka Leody, binira si Sen. Robin!

Nang kumustahin ng media si Defensor sa pagdating nila sa CIDG headquarters, isang maikling sigaw lang ang isinagot niya habang pumapasok sa opisin.

“Heto, nakakulong na!” sambit ni Defensor.

Mula sa apat na kataong inisyuhan ng arrest order, habang isinusulat ang artikulong ito ay tanging ang negosyanteng si Aristotle Baluyut Viray na lamang ang natitirang hindi pa naaresto o sumusuko.

Matatandaang nadamay sina Defensor, Espiritu at Viray sa kasong non-bailable na plunder laban kay Marcoleta matapos mapag-alamang sa kanila nanggaling ang kabuuang ₱75 milyong donasyong natanggap ng senador noong Eleksyon 2025.

Ang naturang donasyong natanggap ni Marcoleta ay hindi niya umano idineklara sa kaniyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) at Statement of Asset, Liabilities and Networth (SALN). 

Samantala, hindi pa tiyak kung sa New Quezon City Jail - Male Dormitory sa Payatas idedetine sina Defensor at Espiritu kung saan ipipiit si Marcoleta.