Patay ang isang dalaga makaraan siyang pagsasaksakin ng kanyang nobyo nang tumanggi siyang magtalik sila sa Barangay San Pablo, Tacurong City, Sultan Kudarat, kahapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Tacurong City Police Office (TCPO), huling nakita si Rosalinda Masulot, 17, ng Tacurong City, na kasama ang nobyo nitong hindi pinangalanan ng pulisya at taga-Buluan, Maguindanao.

Nakapagsalaysay pa bago bawian ng buhay, sinabi ng dalagita na nagyayang mamasyal ang suspek hanggang dinala siya nito sa palm oil plantation at doon ay nagyayang magtalik sila.

Nang tumanggi, tinutukan umano ng patalim ng suspek ang biktima, na nagtangkang tumakas kaya pinagsasaksak siya ng nobyo sa ulo, dibdib at sa iba pang bahagi ng katawan.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Nakatakas ang suspek, na tinutugis pa ngayon.