XIAN AT KIM copy

TUMAYMING na may show sa Amerika ang Star Magic nitong nakaraang Holy Week kaya sinamantala nina Kim Chiu at Xian Lim na makapagbakasyon na rin. Naka-post sa Instagram account ng dalawa ang mga larawang kuha sa kanilang pamamasyal sa San Francisco at Los Angeles.

Mukhang love team lang talaga nila ang nabuwag, pero hindi ang kanilang personal na relasyon. Halata sa anumang kuha sa dalawa na parang hindi na yata sila naghihiwalay. Maging sa panonood nga ng basketball ay laging magkadikit sina Xian at Kim. May naka-post ding isang picture na kasama nila ang magka-love team na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Binanggit ni Xian sa isang post na pinangarap niya noon na maging sikat na NBA player. Pero sa takbo ng mga pangyayari, malabo na itong matupad.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Inamin ng aktor sa naturang post na biglang nag-iba ang kanyang kapalaran.

“Crazy for me to be in the court with the @warriors. To see them up close in person was just amazing. NBA dreams when I was a kid really push through. But I’m just thankful because God has other plans for me,” sey ni Xian.

Sa U.S, na rin inabot ng birthday nitong nakaraang April 19 si Kim na binati ni Xian sa pamamagitan din ng isang post: “Dearest Kim, I just want to greet you a happy happy birthday! I wish you more of what you already have right now and to continue inspiring a lot of people. There are tons of cheesy quotes and chessy lines I can say but this time I will keep it simple. I want you to always be happy and to enjoy the simple things in your life. I’ll always be there if you need someone by your side.” (JIMI ESCALA)