WESLEY CHAPEL, Fla. (AP) — Naungusan ni Katerina Siniakova ng Czech Republic si Shelby Rogers ng US sa straight set para maitabla ang kanilang Fed Cup semifinal sa 1-1 nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Naunang ginapi ni CoCo Vandeweghe si Marketa Vondrousova, 6-1, 6-4 sa unang singles event.

Kampeon ang Czechs sa huling tatlong taon at ikalima sa anim na pagkakataon. Ang mananalo sa serye ay uusad sa Finals laban sa magwawagi sa pagitan ng Belarus at Switzerland sa Nov. 11-12.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA