NGAYONG Sabado, makisaya at maki-party sa birthday celebrations ni Regine Velasquez-Alcasid sa Sarap Diva at Full House Tonight.

Masayang Saturday morning ang sasalubong sa manonood sa pagbisita ng cast ng Meant To Be na sina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner sa bahay ng cooking diva.

May surprise appearance din ang pinakamamahal na ina ni Regine na si Ms. Tessie Velasquez. Bukod sa boodle fight, may paandar naman si Ken na Meant to Be-chon, ang bersiyon niya ng masarap at hindi kasing-mahal na lechon ribs.

Samantala, sa Full House Tonight, magdiriwang ng kaarawan ang Asia’s Songbird at magbabalik-tanaw sa hit 90’s movie niyang DoReMi kasama ang dating co-stars na sina Donna Cruz at Mikee Cojuangco. Makisaya sa kulitan ng iconic trio at abangan ang nostalgic na performances ng I Can, Kapag Tumibok Ang Puso at ilan pang paborito nating classic songs.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Malalagay rin sa hot seat ang Songbird sa tell-all interview na pangungunahan nina Anjo Yllana at Janno Gibbs.

Lalo pang magiging espesyal ang kaarawan ni Regine sa pagbisita ng unico hijo niyang si Nate at sa greetings ng stepdaughters niya na sina Leila at Sarah Alcasid, kasama ang ina ng mga ito na si Michelle Van Eimeren.

Huwag palampasin ang masayang birthday episodes na handog ng GMA para kay Regine ngayong Sabado sa Sarap Diva pagkatapos ng Maynila at sa Full House Tonight pagkatapos ng Magpakailanman.