AI AI MEGAL AT DIREK JOEY LANG_paki-croppo ang bagets copy

MOTHER’S DAY offering ng Regal Entertainment ang Our Mighty Yaya na pagbibidahan ni Ai Ai de las Alas.

Sa grand presscon nitong Miyerkules, isa sa mainit na pinag-usapan ang engagement ng komedyana sa boyfriend na si Gerald Sibayan.

Sa lahat daw ng naging boyfriend ni Ms. A, si Gerald ang naramdaman niyang bigay ng Diyos dahil sa mga senyales na hiningi niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Meron akong isang ano na, ‘Lord, bigyan mo naman ako ng sign na siya na talaga.’ Dapat nu’ng araw na ‘yun, hindi siya magsisimba, kasi magtatrabaho nga siya. Sinurprise niya ako. Pagkatapos na pagkatapos ko (manalangin), pagmulat ko, nasa tabi ko siya. Sabi ko, ‘Lord, ‘yun ba ‘yun? ‘Yun ba ‘yung sign?’

“Sa lahat ng naging boyfriend ko at naging asawa ko na, sinasamahan niya akong mag-novena every Wednesday. Palagi kaming nagdadasal na para sa kanya, ‘yung para sa akin.”

Napakasimple lang daw ang ginawang proposal ni Gerald sa kanya nitong Abril 12 na hindi naman niya ipinagdamot sa lahat dahil ipinost niya sa Instagram.

“Simple lang ‘yun, pero one year na niya itinatago ‘yung ring na ‘yun. Kumbaga, matagal na niyang itinatago ‘yun, pinag-ipunan. So, kumbaga, nu’ng nararapat na ‘yung time siguro, para sa kanya, ibinigay na niya. Kasi, unang-una, hindi na raw niya kayang isekreto,” kuwento ni Ai Ai.

Ngayong taon dapat ang kasal nina Ai Ai at Gerald, pero hindi pa raw handa ang aktres.

“Parang hindi pa ako ready,” natatawang sabi ng Mighty Yaya. “Nakakatawa, ako pa ‘yung hindi ready.

“Alam ko na meron siyang singsing,” patuloy ni Ai Ai, “hindi ko alam na ganu’n ang hitsura, and hindi ko alam kung kailan niya ibibigay sa akin. Pero hindi ko ‘pinapaalala sa kanya or nag-instigate ako na, ‘Ano? Kailan ka na magpu-propose? Wala. Basta dedma lang ako.”

So, wala nang element of surprise ang wedding proposal ni Gerald sa kanya?

“Surprised pa rin, kasi siyempre hindi ko naman alam ‘yung ring, eh. Nu’ng pinapapili niya ako, natatawa lang ako.

Akala ko ini-echos-echos lang niya ako.

“Sabi niya, ‘Huy, pili ka ng ring.’ Sabi ko, ‘Ikaw na lang! Bahala ka na kung ano ‘yung kaya mo, kung ano ‘yung gusto mo,” masayang kuwento ng Comedy Queen.

Showing na ang Our Mighty Yaya sa Mayo 10, mula sa direksiyon ni Jose Javier Reyes handog ng Regal Entertainment at kasama rin si Miss World Megan Young bilang mabait na amo sa pelikula.