Isasalang na sa arraignment proceedings ng Sandiganbayan sa susunod na buwan si dating Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay kaugnay ng pagkakasangkot sa umano’y maanomalyang pagpapatayo ng Makati carpark building noong alkalde pa siya ng lungsod.

Sa Mayo 18 itinakda ng anti-graft court ang pagbasa ng sakdal laban sa dating alkalde.

Sa utos ng 3rd Division ng anti-graft court, wala nang balakid pa upang hindi magtuluy-tuloy ang paglilitis sa mga kasong kinakhaharap ni Binay.

Kabilang sa mga kasong kinahaharap ni Binay ang graft at falsification of public documents dahil sa pinasok na deal para sa pagpapatayo ng nabanggit na gusali.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Nauna nang ipinaliwanag ng hukuman na nakitaan ng probable cause ang mga reklamo laban kay Binay dahil siya ang pinuno ng procuring entity na Hope na may responsibilidad na suriin ang mga ipinasang dokumento ng bids and awards committee. (Rommel P. Tabbad)