ISULAN, Sultan Kudarat – Isang hinihinalang kidnapper at kasama niyang 18-anyos ang naaresto at nakumpiskahan ng matataas na kalibre ng armas makaraang maharang sa checkpoint ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Maguindanao.

Ayon kay Capt. Rogelio Agustin, ng 33rd IB, magkaangkas sa motorsiklo nang maharang sa checkpoint sina Adam Ugalingan, 44, may asawa, sangkot sa kidnapping sa Cotabato noon g 1996; at Pahmodin Adam, 18, kapwa taga-Barangay Badak, General SK Pendatun, Maguindanao.

Sinabi ni Capt. Agustin na halata ang pagkabalisa ng dalawa nang harangin sa checkpoint hanggang sa matuklasang dalawang M1-Garand rifle pala ang laman ng bitbit nilang sako. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog